5 patay, 2 sugatan sa suicide attack sa Afghanistan

By Rod Lagusad December 26, 2017 - 02:23 AM

 

Mula sa Reuters

Hindi bababa sa lima ang namatay habang dalawa naman ang sugatan matapos ang isa na namang kaso ng suicide attack sa Kabul, ang kabisera ng Afghanistan.

Kabilang sa bikitma ay isang babae na sakay ng isang sasakyan nang maganap ang pagsabog sa lugar.

Ayon sa tagapagsalita ng Interior Ministry ng Afghanistan, pinasabog ng suicide bomber ang kanyang sarili malapit sa opisina ng intelligence service.

Wala pang umaako ng responsibilidad sa insidente.

Habang una ng inako ng mga Taliban insurgents at Islamic States group ang mga naunang pag-atake sa Kabul.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.