Marc Pingris gusto ulit maglaro kahit may injury

By Justinne Punsalang December 24, 2017 - 07:56 PM SHARE(S):
INQUIRER File

Kung siya ang tatanungin ay gusto na ni Marc Pingris na bumalik sa loob ng basketball court at maglaro sa Philippine Arena sa mismong araw ng Pasko.

Ani Pingris, gusto niyang maglaro para sa Magnolia Hotshots kontra Ginebra Gin Kings para sa inaabangang laban sa Manila Clasico.

Sinabi pa ni Pingris na hindi niya alintana ang sakit na kanyang nararamdaman, dahil para sa kanya, mas masarap sa pakiramdam ang makapaglaro sa loob ng court.

Bagaman kitang-kita ang kagustuhan ni Pingris na maglaro ay hindi naman siya ang magdedesisyon tungkol dito.

Kailangan pa muna kasing mabigyan ng clearance si Pingris mula sa mga doktor na nagsasabing kaya na niyang maglaro.

Nagpapagaling pa sa ngayon si Pingris matapos nitong magtamo ng back injury.

TAGS: basketball, Magnolia Hotshots, Manila Clasico, Marc Pingris

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.