Bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng Bagyong Vinta, umabot na sa 200

By Mariel Cruz December 24, 2017 - 11:20 AM SHARE(S):

Umakyat na sa dalawangdaan ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Vinta.

Nadagdagan ang bilang matapos matagpuan ang katawan ng ilan pa sa mga napaulat na nawawala.

Sa Zamboanga Peninsula, apatnapu’t pito katao ang nasawi dahil sa pagbaha habang nasa pitumpu’t dalawa pa ang nawawala.

Sa Northern Mindanao naman, aabot sa 135 ang nasawi sa Bukidnon, Lanao del Norte, Misamis Occidental at Iligan, nasa mahigit pitumpu din ang pinangangambahang nawawala.

Ayon kay ARMM assemblyman Zia Alonto Adiong, labingwalo ang napaulat na nasawi dahil sa pagbaha at landslides sa Lanao del Sur.

Inaasahang lalabas na ang bagyong Vinta sa Philippine area of responsibility mamayang gabi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.