MMFF 2017 Parade, dinagsa ng fans

By Rhommel Balasbas December 24, 2017 - 05:10 AM SHARE(S):
MMFF Facebook Page

Libu-libong katao ang tumungo sa Muntinlupa City upang tunghayan ang 2017 Metro Manila Film Festival Parade of Stars.

Tampok sa parada ang naggagandahang mga floats ng 8 film entries na kasabak sa film fest ngayong taon.

Hindi ginanap sa Maynila ang taunang parada dahil nais ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na magkaroon na ng rotation para rito kada taon.

Ngayong taon ay sa Muntinlupa ito ginanap upang bigyang daan ang selebrasyon ng kanilang senternaryo bilang isang lungsod.

Nagpasiklaban ang floats mula sa mga sumusunod na film entries na ipalalabas na mula bukas, December 25, araw ng Pasko:

  • Gandarrapiddo: The Revenger Squad
  • Ang Panday
  • Haunted Forest
  • All of You
  • Deadma Walking
  • Siargao
  • Ang Larawan
  • Meant to Beh

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.