Mag-asawa, arestado dahil sa pagtatago ng 27 kilo ng marijuana sa California

By Justinne Punsalang December 24, 2017 - 01:46 AM

Arestado ang isang matandang mag-asawa sa California matapos mahulihan ng mga otoridad ng 27 kilo ng marijuana.

Kinilala ang mag-asawa na sina Partick Jiron, 80 taong gulang at Barbara, 70 taong gulang.

Ayon sa mga otoridad, planong ipangregalo ng mag-asawa ang naturang bulto ng marijuana.

Mula California ay magtutungo sana ang mag-asawang Jiron sa Vermont, ngunit sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay ay naaresto sila ng mga pulis.

Tinatayang nasa $336,000 ang halaga ng nakumpiskang marijuana. /Justinne Punsalang

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.