Malakas ulan sa Palawan dulot ng bagyong Vinta ibinabala ng PAGASA

By Den Macaranas December 23, 2017 - 05:39 PM

PAGASA

Nagbabanta pa rin ang malakas na buhos ng ulan sa lalawigan ng Palawan ang bagyong Vinta.

Sa inilabas na 5PM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyong Vinta ay nasa layong 230 kilometers sa katimugang bahagi ng Balabac, Palawan.

Taglay pa rin ni Vinta ang lakas ng hangin na 90 kph at pagbugsong umaabot sa 115 kph.

Asahan na rin ang malakas na buhos ng ulan sa magdamag lalo na sa Southern Palawan.

Pinapayuhan rin ng PAGASA ang mga managingisda na mag-ingat sa pagpunta sa mga karagatan dahil sa mataas na alon ng tubig.

Bukas ng hapon ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Vinta.

TAGS: Bagyo, pagasa, Palawan, vinta, Bagyo, pagasa, Palawan, vinta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.