3 arestado sa raid sa Payatas

By Jong Manlapaz December 22, 2017 - 12:00 AM

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Arestado ang tatlong lalake sa Ipil-Ipil St. Brgy. Payatas-B sa Quezon City matapos na maghain ng search warrant ang pinagsanib na pwersa ng DDEU QCPD, SRU, PDEA RO-NCR at SDEU PS 6.

Ang target ng operation ay si John Zafra alias Abraw na hindi na nakapalag pa matapos na pumasok ang mga pulis sa kanyang bahay, dito naaresto pa ang dalawang lalake.

Nakuha ng mga pulis ang 35 plastic sachets ng shabu sa loob ng bahay ng mga suspek na may bigat na 15 gramo at street value na Php 75, 000.00.

Nakumpiska sa raid ang iba’t ibang drug paraphernalia; 1 barrel ng cal. .45 at mga bala ng baril.

Nahaharap sa paglabag sa RA 10591 at Sec. 11 & 12 ng RA 9165, ang mga suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.