2 hinihinalang holdaper, patay matapos umanong manlaban sa mga pulis

By Mark Gene Makalalad December 21, 2017 - 12:53 PM

Kita sa CCTV footage sa kanto ng Cavite at Juan Luna Streets ang paglapit nang tatlong lalaki na sakay ng motorsiklo sa isang ginang.

Maya-maya pa, tinutukan na ng baril ang ginang at tinangay ang kanyang wallet na may lamang P10,000.

Agad naman na dumulog ang biktima sa Raxabago Police Station na nagkasa ng follow up operation para mahuli ang mga suspek.

Dalawang oras ang makalipas nang matunton ang pinagtataguan ng tatlo dahil sa motor nilang nakaparada malapit sa riles, nagkapalitan na ng putok at bumalagta na ang dalawa.

Narito ang balita ni Mark Makalalad:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: follow up operation, hold-up incident, manila police, Tondo Manila, follow up operation, hold-up incident, manila police, Tondo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.