WATCH: Panloloob sa isang bahay sa Valenzuela, sapul sa CCTV

By Justinne Punsalang December 21, 2017 - 12:36 PM

Pinasok ng isang hindi pa nakikilalang babae ang bahay ng isang ginang sa Barangay General Tiburcio de Leon sa lungsod ng Valenzuela Huwebes ng madaling araw.

Sapul sa CCTV ang pagpasok ng isang babae sa bahay ni Ginang Milagros Leonardo.

Sa CCTV footage, makikitang nakayapak lamang ang babaeng nanloob at hawak nito ang kanyang tsinelas para hindi makalikha ng ingay.

Pagpasok sa loob ng bahay ay nag-ikot pa ito na tila may hinahanap.

Narito ang ulat ni Justinne Punsalang:

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Robbery, Valenzuela City, Robbery, Valenzuela City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.