Panibagong missile attack na-intercept ng Saudi

By Rohanissa Abbas December 20, 2017 - 11:50 PM

 

Na-intercept o napigilan ng Saudi Arabia ang isang panibagong missile na inilunsad ng mga rebeldeng Houthi mula Yemen.

Target sana ng mga rebeldeng Houthi ang palasyo ng al-Yamama sa Riyadh kung saan isinasagawa ang lingguhang pagpupulong ng gobyerno.

Ayon sa Saudi Center for International Communication, walang casualties na naitala kaugnay nito.

Gayunman, hindi naniniwala ang tagapagsalita ng Houthi na si Mohammed al-Bukhaiti.

Sa isang panayam, sinabi niyang mayroon umanong casualties sa kanilang pag-atake.

Ayon kay al-Bukhaiti, isang Burkan 2-H missile ang inilunsad ng rebeldeng grupo.

Sa isang televised address, sinabi ng lider ng grupo na si Abdulmalik al-Houthi na eto ang sagot nila sa Saudi Arabia at mundo. Babala niya, mas marami pang missiles ang kanilang pakakawalan kapag nagpatuloy ang pagkalat ng krimen at tyranny.

Samantala, tinugunan naman ng Saudi Arabia ang pinakahulinh pag-atake ng air strike sa Sanaa, Yemen na kontrolado ng Houthi.

Sumiklab ang gyera sa pagitan ng Saudi Arabia at Yemen noong March 2015 nang manghimasok ang Saudi Arabia sa pagpapabalik kay Abd-Rabbu Mansour Hadi sa pagiging pangulo ng Yemen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.