Lorenzana: Kung ako ang tatanungin ayaw ko ng ceasefire sa CPP-NPA

By Den Macaranas December 20, 2017 - 05:02 PM

Sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na susunod ang liderato ng Armed Forces of the Philippines sa naging utos ng pangulo na magpatupad ng Suspension of Military Operations (SOMO) ngayong panahon ng kapaskuhan.

Sa kanyang pahayag, sinabi ng opisyal na tutupad ang liderato ng militar sa anumang utos na magmumula sa kanilang Commander-in-Chief.

Pero kung siya umano ang tatanungin ay wala umano siyang balak na magrekomenda ng tigil-putukan lalo na sa mga terorista ngayong Christmas season.

Kung anuman ang naging desisyon ng pangulo ay buong puso umano silang susunod dito.

Nauna nang sinabi ng pangulo na magpapatupad ang pamahalaan ng SOMO mula December 24, 2017 hanggang January 2, 2018.

Umaasa ang Malacañang na tatapatan ng CPP-NPA ang nasabing unilateral ceasefire.

TAGS: Ceasefire, CPP-NPA, DND, lorenzana, Ceasefire, CPP-NPA, DND, lorenzana

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.