P500,000 reward ni Duterte sa mga magtuturo ng drug personality

By Chona Yu December 20, 2017 - 04:08 PM

Inquirer file photo

Aabot sa P500,000 ang pabuya na ibibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa sinumang makapagbibigay ng pangalan na sangkot sa ilegal na droga.

Sa ambush interview kagabi sa pangulo sa pagdalaw sa mga labi ni P03 Wilfredo Gueta sa Brgy. Maybunga, Pasig City, sinabi nito na babayaran niya ang impormasyon na makatutulong para sugpuin ang ilegal na droga.

Hindi naman aniya kinakailangan na direktang ibigay sa kanya ang pangalan ng sangkot sa ilegal na droga kundi maaring ibulong na lamang ito sa kanilang Barangay Chairman at saka ipapasa sa Philippine National Police.

Pangako pa ng pangulo, seryoso siya sa pagbibigay ng pabuya at hindi kalokohan ang kanyang naging pahayag.

“Magsabi lang ako ngayon,  sige bigyan niyo ako impormasyon. Babayad ako ng P500,000. Ibigay ko doon sinong gusto ninyo, sa Barangay Captain ninyo. Bigyan mo ako ng pangalan. Bayad ako bukas 500,000. Walang lokohan”, pahayag ng pa ni Duterte.

TAGS: drug presonality, duterte, Pasig City, PNP, reward, drug presonality, duterte, Pasig City, PNP, reward

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.