Angara: TRAIN maagang pamasko ng gobyerno sa publiko

By Ruel Perez December 19, 2017 - 06:37 PM

Inquirer file photo

Kung si Sen. Sonny Angara ang tatanungin, maituturing na umanong pinakamagandang papasko para sa mamamayang Filipino ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa TRAIN o Tax Reform for Acceleration and Inclusion bill.

Ayon kay Angara na sya ring chairman ng Senate Ways and Means Committee na duminig sa panukala, layon ng TRAIN na matulungan ang mga mamayan na umangat at guminhawa ang buhay.

Sa ilalim ng TRAIN, lalaki ang take home pay ng mga manggagawa dahil hindi na kinakailangan na magbayad ng income tax ang nakararaming mga empleyado na sumusweldo ng mas mababa sa P250,000 na annual income.

Sa pagsusulong ng TRAIN, iginiit ni Angara na mapopondohan na ang nakalinyang infrastructure projects sa ilalim ng Build Build Build program ng Duterte administration.

 

Dumalo ang mga pinuno ng Senado at Kamara sa paglagda ng pangulo sa nasabing bagong tax reform package kaninang hapon sa Malacañang.

TAGS: Angara, duterte, tax, Train, Angara, duterte, tax, Train

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.