2 jersey ni Kobe Bryant, ireretiro na ng Lakers

By Kabie Aenlle December 19, 2017 - 12:04 AM SHARE(S):

 

Ire-retiro na ng Los Angeles Lakers ang dalawang jersey numbers ng batikang manlalaro nila na si Kobe Bryant.

Gagawin ito ng team sa isang marangyang halftime ceremony sa pag-host ng Lakers sa defending champion na Golden State Warriors sa Staples Center.

Ayon kay Bryant, habang lumalaki siya noon sa Italy, pinangarap na niyang makita ang kaniyang jersey na nakasabit sa rafters ng Lakers.

Gayunman, hindi niya lubos akalain na dalawang jersey niya pa pala ang maisasabit doon.

Isa aniya itong malaking karangalan para sa kaniya at labis ang kaniyang pasasalamat sa kaniyang mga fans na sumuporta sa kaniya.

Itataas nila ang mga jersey numbers ni Bryant na 8 at 24 na ginamit niya sa dalawang dekada niyang karera na kaniyang ginugol kasama ang Lakers.

Magugunitang nagretiro na si Bryant noong nakaraang taon, nang may hawak na na kabuuang 33,643 points.

Naniniwala naman si Lakers coach Luke Walton na magiging emosyonal para sa kanila ang magiging seremonya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.