K-pop singer natagpuang patay, anggulong suicide sinisilip

By Jay Dones December 19, 2017 - 02:32 AM SHARE(S):

 

IG/jonghyun.948

Patay ang isang miyembro ng Korean K-Pop band matapos itong matagpuang walang malay sa loob ng kanyang tirahan sa South Korea.

Hindi na nagawang ma-revive pa ng mga doktor ang 27-anyos na biktima na kinilalang si Kim Jong-hyun o Jonghyun, miyembro ng grupong Shinee.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, natagpuan ng kanyang kapatid na babae ang walang malay na singer sa loob ng apartment nito sa Cheongdam-dong kaya’t tumawag ito ng ambulansya.

Nang datnan ng mga paramedics, agad itong dinala sa pagamutan kung saan ito isinailalim sa CPR.

Gayunman, hindi na nagising muli ang mang-aawit.

Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagkamatay ng biktima.

Sinisilip ang anggulong suicide sa pagkamatay nito.

Diumano, makailang-ulit na nakatanggap ng text message ang kapatid na babae nito mula kay Jonghyun na mistulang nagpapaalam na.

Si Jonghyun ay lead singer ng 5-member group na Shinee.

Isa sa kanilang sumikat na kanta ang ‘Replay’ na kanilang debut single na lumabas noong 2008.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.