Duterte: Lahat ng bisita pwedeng magpa-picture sa Malacañang

By Chona Yu December 18, 2017 - 08:09 PM

Inquirer file photo

Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang apong si Isabelle Duterte matapos umani ng pambabatikos dahil sa photo shoot na ginawa sa Malacañang para sa kanyang debut o kanyang ika-labing walong taong kaarawan.

Sinabi ng pangulo na maliit na bagay lamang ang pagpapakuha ng larawan sa Malacañang ng kanyang apo lalo’t kadugo naman niya ang dalagita.

Ayon kay Duterte, “That’s the last thing I know from where of I speak. ‘Yung isang anak ko — and lumabas nga doon sa Daily Star na nagpa-picture, ano ba naman ‘yan? Kadugo ko ‘yan eh. Small matter, gamitin lang ‘yung Malacañang”.

Lahat naman aniya ng mga bumibisita sa palasyo ay nagpapa-picture.

Iginiit pa ng pangulo na wala naman siya sa Malacañang nang mag-photo shoot ang kanyang apo.

“Wala naman ako doon. But even if I was there, itong granddaughter ko magpa-picture, lahat nga ng mga bisita pumupunta diyan, nagpapa-picture eh”, dagdag pa ng pangulo.

Matatandaang nag-viral sa social media ang photo shoot ni Isabelle suot ang mga magarbong gown.

TAGS: debut, Isabelle Duterte, Malacañang, photo shoot, debut, Isabelle Duterte, Malacañang, photo shoot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.