Pacquiao gusto kitang gawing pangulo ng bansa ni Duterte

By Chona Yu December 18, 2017 - 03:29 PM

SIMEON CELI JR./PRESIDENTIAL PHOTO

Bukod kay Senador Grace Poe, inindorso na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Manny Pacquiao na maging susunod na pangulo ng bansa.

Sa birthday party kagabi ni Pacquiao sa General Santos City, sinabi ni Duterte na gusto niyang gawing pangulo ng bansa ang pambansang kamao.

“I am dedicating this message to Manny. You know why? Sabi ko sa kanya, at one time, kami lang dalawa nag-uusap. “’Yung style mo na ‘yan gusto kita gawaing presidente”, ayon sa pangulo.

Hindi maikakaila ayon sa pangulo na malaki ang naiambag na karangalan ni Pacquiao sa Pilipinas dahil sa pagiging world champion nito at sa mga tagumapay na nakamit sa larangan ng boxing.

Marapat lamang aniya na gayahin ang determinasyon at kababaang loob ni Pacquiao.

Sa huli sinabi ng pangulo na gusto niyang magsilbing inspirasyon si Pacquiao lalo na sa mga mahihirap.

Hindi aniya dapat na sumuko at mawalan ng pag-asa ang mga Pinoy dahil gaya ni Pacquiao napagtagumpayan nito na lagpasan ang kahirapan.

Nauna nang sinaibi ng pangulo na gusto niya ring maging pangulo ng bansa si Poe kung maamyendahan ang Saligang Batas para sa mga foundling.

TAGS: Birthday, duterte, General Santos City, Pacquiao, Pangulo, Birthday, duterte, General Santos City, Pacquiao, Pangulo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.