Pang. Duterte sa photoshoot ng apo sa Palasyo: It’s a small matter

By Rohanisa Abbas December 18, 2017 - 01:35 PM

Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging photoshoot ng kanyang apong si Isabelle Duterte sa Malacañang.

Sa kanyang pagdalo sa selebrasyon ng kaarawan ni Senador Manny Pacquiao sa General Santos City, iginiit ni Duterte na maliit na bagay lamang ang naging photoshoot ng kanyang apo.

Aniya, lahat naman ng bumibisita sa Malacañang ay nagpapalitrato.

Magugunitang naging viral sa social media ang pre-debut photos ni Isabelle na kinuhanan sa Palasyo, gaya na lamang ng isa kung saan nakasuot siya ng pink gown katabi ang presidential seal at ang watawat ng Pilipinas.

TAGS: debut photoshoot, Isabelle Duterte, Malakanyang, Pangulong Rodrigo Duterte, debut photoshoot, Isabelle Duterte, Malakanyang, Pangulong Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.