Ricky Vargas, balik PBA chairman

By Jay Dones December 17, 2017 - 07:05 PM SHARE(S):

 

Tristan tamayo/Inquirer.net

Balik sa pagiging pinuno ng Philippine Basketball Association si Ricky Vargas.

Si Vargas ang inanunsyo na magsisilbing chairman ng ika-43 season ng PBA matapos ang isang special board meeting nitong linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Sa kanyang impromptu speech, nangako si Vargas na magiging maganda ang mga susunod na panahon para sa PBA.

Pinasalamatan rin nito ang labindalawang governors ng PBA na siya aniyang gumawa ng lahat ng paraan upang mabuo ang isang kompormiso upang mapanatili ang operasyon ng liga.

Dapat sana ay si Ramoncito Fernandez ng NLEX ang magsisilbing chairman ngayong season matapos itong manilbihan bilang vice-chairman noong ika-42nd season.

Gayunman, nagpalitan aniya ng termino ang NLEX at TNT kaya’t siya ang mamumuno para sa taong ito.

Dati nang naging chairman si Vargas ng PBA noong 2006-2007 season ng PBA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.