7 Quezon City jail guards, suspendido dahil sa pagkakatakas ng isang detainee

By Justinne Punsalang December 17, 2017 - 01:25 PM

Suspendido ngayon ang pitong mga jail guard ng Quezon City jail matapos makatakas ang isang preso sa naturang piitan kaninang alas tres ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspendidong jail guards na sina Senior Inspector David Jambalos, SJO1 Dominador Zacarias, JO2 Antonio Ravago, JO1 Verdion Sayson, JO1 Ronnie Abugadie, JO1 Jhomer Balila, at SJO4 Remegino Mina.

Ayon kay QC jail warden Ermelito Moral, magbibigay daan ang pagkakasuspinde sa pitong mga jail guards para makapagsagawa ng ‘full blown’ investigation patungkol sa pagtakas ni JR Mananquil.

Ayon pa kay Moral, maigi nilang titingnan ang lahat ng anggulo at posibilidad tungkol sa pagpuga ni Mananquil.

Aalamin din aniya nila kung mayroon bang pakikipagsabwatan sa pagitan ni Mananquil at mga jail guard.

Samantala, nakipag-coordinate na ang QC jail sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pagtugis kay Mananquil.

TAGS: nakatakas, Quezon City Jail, nakatakas, Quezon City Jail

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.