21 flights ng AirAsia, kanselado dahil sa sama ng panahon

By Justinne Punsalang December 17, 2017 - 12:53 PM SHARE(S):
AP File

Kanselado na ang 21 mga byahe ng AirAsia, kapwa domestic at international dahil sa sama ng panahon na dala ng bagyong Urduja.

Sa abisong inilabas ng naturang airline, 17 domestic at 4 international flights ang kanilang kinansela.

Kabilang sa mga kanseladong flight ang mga sumusunod:

(International Flights)
– Z2 0028 Kalibo – Shanghai, China
– Z2 0029 Shanghai, China – Kalibo
– Z2 0037 Incheon, South Korea – Kalibo
– Z2 0038 Kalibo – Incheon, South Korea

(Domestic Flights)
– Z2 219/220 Manila – Caticlan – Manila
– Z2 921/922 Clark – Caticlan – Clark
– Z2 0221/0222 Manila – Caticlan – Manila
– Z2 0223/0224 Manila – Caticlan – Manila
– Z2 550/551 Cebu – Caticlan – Cebu
– Z2 0711/0712 Manila – Kalibo – Manila
– Z2 0709/0710 Manila – Kalibo – Manila
– Z2 0714 Kalibo – Manila
– Z2 0715/0716 Manila – Kalibo – Manila

Ayon pa sa AirAsia, maglalabas sila muli ng abiso para sa kanilang mga pasahero.

Sa ngayon, lahat ng mga apektadong pasahero ay maaaring ipa-reschedule ang kanilang mga flights sa loob ng 30 araw ng kanilang orihinal na departure date.

Ayon pa sa AirAsia, maaari ring i-refund ang ibinayad ng mga pasahero sa loob ng 30 araw.

TAGS: #UrdujaPH, AirAsia, Bagyong Urduja, cancelled flights

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.