LOOK: Ilang biyahe sa NAIA, kanselado na dahil sa sama ng panahon

By Angellic Jordan December 16, 2017 - 03:25 PM

Photo courtesy: MIAA Facebook page

Kanselado na ang ilang domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport ngayong araw ng Sabado, December 16.

Sa pinakahuling abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang ilang biyahe ng Cebu Pacific, Philippine Air Asia, Cebgo at Skyjet bunsod ng nararanasang sama ng panahon.

Kabilang sa mga kanselado ang mga sumusunod na biyahe:

5J 651/652 Manila – Tacloban – Manila
5J 649/650 Manila – Tacloban – Manila
5J 373/374 Manila – Roxas – Manila
5J 901/902 Manila – Caticlan – Manila
Z2 320/321 Manila – Tacloban – Manila
Z2 324/325 Manila – Tacloban – Manila
Z2 327/328 Manila – Tacloban – Manila
DG 6177/6178 Manila – Masbate – Manila
DG 6073/6074 Manila – Tablas – Manila
DG 6117/6118 Manila – Naga – Manila
M8 421/422 Manila – Siargao – Manila
5J 653/654 Manila – Tacloban – Manila
5J 905/906 Manila – Caticlan – Manila

Payo naman ng MIAA sa mga apektadong pasahero, makipag-ugnayan sa mga airline company para sa rebooking o refund ng pamasahe.

Samantala, sinabi ng PAGASA na inaasahan ang pag-landfall ng bagyo sa Northern Samar at Samar ngayong hapon o mamayang gabi.

TAGS: Bagyong Urduja, MIAA, NAIA, Bagyong Urduja, MIAA, NAIA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.