Mag-live in partner patay matapos pagbabarilin sa Caloocan

By Mark Gene Makalalad December 15, 2017 - 08:28 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Patay ang mag-live in partner na nakasakay sa motorsiklo matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. 171, North Caloocan.

Nakilala ang mga biktima na sina Luisito Bandola, 45 anyos at Edna Umali, 47 anyos.

Ayon kay Police Senior Inspector Adonis Escamillan, posibleng may kinalaman sa droga ang motibo kung bakit pinatay ang dalawa.

May mga alegasyon kasi na drug pusher ang mag-partner.

Kwento naman ng saksi na si alyas Macmac, nakita nya na hinarang ang motorskilo na sinasakyan ng biktima ng naka-motorskilo rin na gunmen.

Sa umpisa aniya ay nag-uusap pa ang mga ito nang bigla na lamang bumunot ng baril ang dalawang lalaki na nakamaskara at pinaputukan na ang biktima.

Tama sa ulo ang tumapos sa buhay ni Umali habang tama sa iba’t ibang bahagi naman ng katawan ang kumitil kay Bandola.

Samantala, narekober naman sa krimen ang siyam na basyo ng bala ng kalibre 9mm na baril at kalibre 45.

Nakuha rin mula sa mga biktima ang P9,300 na halaga ng pera at isang fake P1,000.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 2 killed in Caloocan, ambush, metro news, North Caloocan, riding in tandem, 2 killed in Caloocan, ambush, metro news, North Caloocan, riding in tandem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.