Ex-DOH Sec. Ubial, itinuro ang 2 kongresista na nag-pressure sa kanya upang ituloy ang Dengvaxia vaccine program

By Ruel Perez December 15, 2017 - 12:29 AM

 

Pinangalanan ni dating health sec Paulyn Ubial ang umano’y nag-pressure sa kanya para ipatupad ang vaccination program.

Ayon kay Ubial, ang pressure ay galing kina Congresswoman Gwendolyn Garcia at Rep. Oscar Garin na asawa naman ni dati ring Health Sec. Janette Garin.

Ayon kay Ubial, sinabihan sya noon ni Congwoman Gwendolyn Garcia na pondohan ang Region 7 para sa dengue at kung hindi ay posibleng maipit ang budget noon ng DOH.

Habang iniuugnay din ni Ubial si Cong. Oscar Garin na asawa ni Janette Garin na pin-ressure umano sya na pondohan ang ikatlong dose ng Dengvaxia vaccine.

Sagot naman ni Garin, wala sya nakitang pressure sa asawa nya dahil hindi naman ito miyembro ng Commission on Appointments para ma-pressure si Ubial.

Natapos ang hearing dakong alas-4:30 ngg hapon pero walang itinakdang schedule ang komite para sa susunod na pagdinig

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.