Pinoy, kampeon sa world 9-ball tournament

By Jay Dones December 14, 2017 - 11:23 PM SHARE(S):

 

Hawak nang muli ng isang Pilipino ang titulong ‘champion’ sa larangan ng World 9-ball competition 2017.

Natalo ni Carlo Biado, ang kapwa niya Pinoy na si Roland Garcia sa score na 13-5 sa labanang ginanap sa Doha, Qatar Huwebes ng gabi.

Sa umpisa pa lamang ng labanan, nagawa nang maungusan ng 34-anyos na si Biado si Garcia sa score na 7-0.

Nagawa pang makapuntos ni Garcia ng hanggang 11-5.

Ngunit sadyang naging matinik si Biado at isinara ang torneo sa score na 13-5 na dahilan upang makuha nito ang P30,000 na presyo ng labanan.

Si Biado ang ikalimang Pinoy na nakakuha ng tropeo sa World 9-ball Championships sunod kina Efren Bata Reyes, Alex Pagulayan, Ronnie Alcano at Franciso Djanggo Bustamante.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.