Isang taon na extension ng martial law sa Mindanao, inaprubahan ng Senado at Kamara

By Dona Domiguez-Cargullo, Ruel Perez December 13, 2017 - 01:53 PM

Kuha ni Ruel Perez

Sa botong 240-27-0 inaprubahan ng mga Senador at Kongresista ang isang taon na extension ng martial law sa Mindanao.

Isinagawa ang botohan matapos ang ilang oras na interpellation ng mga mambabatas.

Isa-isa ring pinaliwanag ng security cluster ng pamahalaan kung bakit kailangan talaga ang martial law extension.

Unang isinagawa ang botohan ng mga senador kung saan 14 ang ang bumoto ng yes o pabor sa extension.

Apat na mga senador naman ang bumoto ng no, kabilang sina Senators Franklin Drilon, Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan at Bam Aquino.

Ang boto naman ng mga Kongresista ay 226 yes at 23 no.

Matapos ang botohan, binigyan ng pagkakataon ang ilang mga mambabatas na ipaliwanag ang kanilang “no” vote.

TAGS: Kamara, Martial Law, Mindanao, Senado, Kamara, Martial Law, Mindanao, Senado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.