WATCH: Pulis sugatan matapos makabarilan ang riding-in-tandem na nagtangkang siya ay tambangan

By Jong Manlapaz December 13, 2017 - 09:26 AM

Kuha nI Justinne Punsalang

Mistulang eksena sa isang action movie ang nakuhanan ng CCTV sa Barangay Payatas B. sa Quezon City.

Makikita sa video ang harapan pagbabarilan ng dalawang lalaki.

Ang isa sa mga lalaki na nakunan ng CCTV ay pulis pala na si PO1 Jaypee Gonzales.

Bago ang barilan, makikita na dumaan si Gonzales sa Empire St. at kasunod niya ang riding-in-tandem na bigla na lamang siyang pinaputukan.

Doon na gumanti ng putok ang pulis na nagresulta sa pagkakapatay ng isa sa mga suspek.

Sugat naman sa paa ang natamo ng pulis matapos siyang tamaan ng bala.

Narito ang ulat ni Jong Manlapaz:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: payatas quezon city, quezon city police', riding in tandem, payatas quezon city, quezon city police', riding in tandem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.