Pinsan ni Honeylet Avanceña, kasama sa mga nasibak na commissioner ng Urban Poor Commission

By Chona Yu December 13, 2017 - 08:57 AM

PCUP Commissioner Melissa Avanceña-Ardanas

Personal na inabisuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang partner na si Honeylet Avanceña na abisuhan ang kaniyang pinsan na si Commissioner Melissa Avanceña-Ardanas na kasama siya sa nga masisibak na commissioner ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP).

Sa talumpati ng pangulo sa Malacañang Press Corps, sinabi nito na hindi na ein dapat na kulayan pa ang kaniyang pagkakatalaga kay Ardanas dahil hindi ito maituturing na nepotism dahil hindi naman sila legal na mag-asawa ni Honeylet Avanceña.

Kung titingnan aniya sa legal na interpretasyon ng batas, nindi niya kaano-ano si Ardanas.

Matatandaang sinibak ng pangulo ang lahat ng commissioner ng PCUP sa pangunguna ng kanilang pinuno na si Terry Ridon dahil sa junket o maluluhong pagbiyahe sa abroad at kabiguan na makakamit na maging collegial body matapos mabatid na dalawang beses lang nagpatawag ng en banc session si Ridon.

Ayon sa pangulo, ginawa niya ang pagsibak sa mga commissioner ng PCUP dahil sa natanggap na reklamo sa complaint hotline na 8888.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: honeylet avancena, Melissa Avanceña-Ardanas, Presidential Commission for the Urban Poor, honeylet avancena, Melissa Avanceña-Ardanas, Presidential Commission for the Urban Poor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.