2 Abu Sayaf patay sa engkwentro sa Sulu

By Kabie Aenlle December 13, 2017 - 02:18 AM SHARE(S):

 

Napatay ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group matapos maka-engkwentro ng mga sundalo sa Patikul, Sulu.

Ayon kay Brig. Gen. Cirilito Sobejana, naganap ang engkwentro kahapon sa Barangay Latih sa nasabing bayan.

Rumesponde aniya ang mga sundalo sa mga ulat tungkol ng umano’y kidnapping na ginagawa ng nasa 20 bandido sa pamumuno ni Radulan Sahiron.

Nang matapos ang bakbakan, umatras ang mga bandido at tumakas patungo sa Barangay Bungkaong, dala ang kanilang mga nasawing kasamahan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.