TINGNAN: Mga lugar na nagkansela ng klase ngayong araw, December 13, 2017

By Jay Dones December 13, 2017 - 12:41 AM

 

Nagkansela na ng klase ang buong lalawigan ng Camarines Sur dahil sa epekto ng tail end of cold front at ang inaasahang pag-ulan na idudulot ng bagyong ‘Urduja’.

Sa abiso ng lokal na pamahalaan ng Camarines Sur, suspendido na ang klase sa lahat ng antas ngayong araw, December 13 sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Bukod dito, nagsuspinde na rin ng klase sa elementarya at preschool ang lalawigan ng Albay.

Epektibo rin ang suspensyon ng klase sa mga pampubliko at pampribadong mga paaralan.

Nagbigay-babala rin ang lokal na pamahalaan ng Albay sa mga residenteng nakatira malapit sa mga ilog na manatiling magmonitor sa posibilidad ng pagtaas ng tubig.

Ito ay dahil maghapon nakaranas ng pag-ulan ang lalawigan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.