35 years na ban sa movie theaters sa Saudi Arabia, aalisin na

By Dona Dominguez-Cargullo December 12, 2017 - 10:57 AM

Makalipas ang 35 taon, maaari na muling makanood ng sine sa Saudi Arabia.

Sa susunod na taon kasi, aalisin na ang umiiral na ban sa mga movie theater at iisyuhan na sila ng lisensya upang makapag-operate.

Ayon sa Ministry of Culture and Information ng Saudi Arabia, sa Marso inaasahang magbubukas ang unang sinehan matapos ang pagbawi sa ban.

Hindi pa naman nilinaw kung anong movie genres ang maaring ipalabas sa mga bubuksang sinehan at kung papayagan bang magtabi sa upuan sa loob ng cinema ang mga babae at babae.

Umaasa naman ang pamahalaan ng Saudi na ang muling pagbubukas ng movie theaters ay makatutulong sa kanilang ekonomiya, lilikha ng bagong oportunidad sa trabaho at makapagbibigay ng dagdag na entertainment options sa kanilang mamamayan.

Sa ngayon kasi, kakaunti ang entertainment attractions sa Saudi Arabia at ang kanilang mamamayan ay bumibisita sa mga kalapit na bansa kapag nais magbakasyon at maglibang.

Sa ilalim ng pamamahala ng crown prince na si Mohammed Bin Salman, unti-unting pinaluwag ang mga pagbabawal sa Saudi Arabia.

Kamakailan, ang mga babae ay pinayagan nang makapagpamaneho sa bansa at sa susunod na taon, papayagan na din silang makapasok sa biggest sporting venues sa Saudi.

 

 

 

 

 

TAGS: ban on cinema, movie theaters, saudi arabia, ban on cinema, movie theaters, saudi arabia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.