Walang Pinoy na nasaktan sa subway blast sa New York

By Dona Dominguez-Cargullo December 12, 2017 - 09:55 AM

Walang Pinoy na naapektuhan sa naganap na pagsabog sa subway sa New York.

Ayon sa Philippine consulate office sa New York, wala pa naman silang natatanggap na ulat na may Pinoy na apektado ng pagsabog sa subway attack sa Time Square.

Kaugnay nito, hinikayat ng konsulada ang Filipino-American community sa New York na tumawag sa kanilang hotline na 9172940196 para iulat kung may malalaman silang Pinoy o Filipino-American na maaring naapektuhan ng pag-atake.

Pinayuhan din ang mga Pinoy na iwasan muna ang lugar hangga’t isinasagawa pa ang clearing ng mga otoridad.

Lima ang nasugatan sa nasabing pag-atake kabilang na ang suspek na si Akayed Ullah na isang Bangladeshi.

Gumamit si Ullah ng home-made pipe bomb sa ginawang pag-atake.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: New York, subway attack, New York, subway attack

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.