Anim katao, sugatan matapos mahulog mula sa Mount Pulag

By Justinne Punsalang December 12, 2017 - 03:47 AM

Sugatan ang anim na mga turista matapos mahulog ang kanilang sinasakyan sa 50-metrong lalim na bangin sa Mount Pulag.

Kinilala ang mga biktima na sina Maria Felisa Anne Cruz, Dale Kleyton Matutina, Carl Jason Lumanog, Arnel Luciano, Hanz Justine Argamosa, at Alexis Fante na pawang mula pa sa Cainta, Rizal.

Batay sa imbestigasyon ng Bokod Municipal Police, nawalan ng kontrol ang driver ng sasakyan dahil sa umano’y mechanical problem.

Hindi naman pinangalanan ng mga pulis kung sino sa anim na mga biktima ang nagmamaneho ng sasakyan.

Hanggang ngayon ay nagpapagaling pa sa Baguio General Hospital and Medical Center sina Fante at Matutina, habang nakalabas na ng naturang ospital ang kanilang mga kasamahan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.