Dating alkalde sa Abra, arestado dahil sa kasong malversation

By Justinne Punsalang December 12, 2017 - 03:46 AM

Arestado ang dating alkalde ng bayan ng Licuan-Baay sa Abra dahil sa kasong malversation.

Sa bisa ng warrant of arrest para sa dalawang counts ng malversation na inisyu ni Sandiganbayan Associate Justice Sarah Jane Fernandez ay naaresto si Christopher Millares Sr.

Ayon sa Cordillera police, nadakip ng kanilang mga operatiba si Millares sa Barangay Bulbulala at ikinulong sa himpilan ng Police Crime Investigation and Detection Group sa Abra.

Dagdag pa ng mga otoridad, nakalaya na si Millares matapos nitong magpiyansa ng tig-P6,000 para sa dalawang kaso ng malversation na kanyang kinakaharap.

Nanungkulang si Millares bilang alkalde ng naturang bayan hanggang 2013.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.