Lasing, nag-trip sa Tondo, nanaksak ng dalawang lalaking nakatambay

By Mark Gene Makalalad December 11, 2017 - 08:26 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Sugatan ang dalawang lalaki matapos pagtripan ng isang lasing sa Moriones kanto ng Zamora St, Tondo, Manila.

Putok ang ulo at saksak sa tagiliran ang natamo ni Jerwin Lozano, 24-anyos, habang saksak naman sa kaliwang kamay ang natamo ng kanyang kasamahan na si Hector Opda, 40-anyos.

Kwento ng kanilang kaibigan na si PJ Marano, nakatambay lang sila sa convenience store nang bigla silang lapitan nang lasing na lalaki at hampasin sa ulo ng bote si Lozano.

Hinabol daw nina Lozano at Opda ang suspek na kumaripas nang takbo at nang mahabol na ay bumunot pa ito ng patalim at sinaksak silang dalawa.

Agad na isinugod sa Mary Johnston Hospital ang mga biktima at nilapatan ng paunang lunas.

Patuloy naman na inaalam ang tunay na motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng suspek.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: stabbing incident, Tondo Manila, stabbing incident, Tondo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.