Mga laruang kutsilyo at ‘gato’ ipagbabawal na sa Makati City

By Kabie Aenlle December 11, 2017 - 12:50 AM

 

Aprubado na ng Makati City Council ang pagdaragdag sa mga plastik na kutsilyo at knuckles sa mga ipinagbabawal na toy replica ng mga armas.

Ito ay pag-amyenda na sa dati nang ipinatutupad na ordinansa kung saan ipinagbabawal sa lungsod ang pagbebenta, o kahit pagdi-display ng mga laruang baril na may plastic pellets at iba pang laruan na iginaya sa anumang uri ng armas.

Samantala, hindi naman kasama sa naturang ban ang paggamit ng airsoft at airguns sa mga legal na aktibidad.

Ginawa ito ng lungsod lalo na’t kasagsagan na ng pamimili ng mga laruan para sa mga bata ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan.

Nakarating din kasi sa konseho ang mga ulat na may ilang tindahan malapit sa mga paaralan ang nagbebenta ng plastic na kutsilyo at knuckles sa mga kabataan.

Panawagan ni Makati Mayor Abigail Binay sa mga magulang, huwag hayaang gumamit ang kanilang mga anak ng mga ganitong uri ng laruan na nag-tuturo ng karahasan sa mga kabataan.

Ang mga lalabag dito ay papatawan ng P1,000 hanggang P3,000 na multa, o pagkakulong ng hindi hihigit sa isang buwan, habang ang mga menor de edad naman na masasangkot dito ay sasailalim sa Juvenile Justice and Welfare Act.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.