Hosting ng Pilipinas sa FIBA 2023, mistulang pagbabalik ng Santo Papa

By Kabie Aenlle December 11, 2017 - 01:48 AM

 

Inihalintulad ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes ang pagkakapili sa Pilipinas bilang isa sa tatlong hosts ng 2023 FIBA World Cup sa pakiramdam ng parang magbabalik sa Pilipinas si Pope Francis.

Ayon kay Reyes, labis ang kanilang kagalakan at excitement nang mapunta sa Pilipinas, Indonesia at Japan ang hosting bid ng world cup lalo’t magpupuntahan sa Manila ang mga pinakamagagaling na atleta sa buong mundo.

Ani Reyes, ang pakiramdam ng kanilang excitement ay mistulang pagbalik ni Pope Francis na una nang bumisita sa bansa sa loob ng limang araw noong Enero 2015.

Tulad aniya ng lagi nilang sinasabi, mistulang relihiyon ang basketball sa Pilipinas dahil sa dami ng fans at mga taga-suporta ng nasabing laro.

Dagdag ni Reyes, sobrang special para sa kanila ang pagdaraos ng pinakamalaking kompetisyon sa Pilipinas.

Samantala, napansin naman ni Reyes na hindi kapani-paniwala ang naging magandang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas, Japan at Indonesia sa pagsisikap na masungkit ang hosting bid.

Matinding preparasyon at effort aniya talaga ang inilabas ng tatlong bansa para ito ay maisakatuparan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.