COA sa DOH: Isoli ang higit P14-M na sobrang hazard pay

By Jay Dones December 11, 2017 - 12:30 AM

 

Iniutos ng Commission on Audit sa ilang matataas na opisyal ng Department of Health na isoli nito ang sobrang P14.04 milyong piso na hazard pay noong 2009 at 2010.

Sa desisyon ng COA na may petsang November 24, 2017, idineklarang final and executory ng Komisyon ang kanilang inilabas na Notice of Disallowances para sa sobrang hazard pay na ipinamahagi noon sa mga opisyal ng nabanggit na mga taon.

Noong 2009, tumanggap ng sobrang P7.11 million ang mga opisyal ng DOH samantalang P6.94 naman ang ibinigay sa mga ito noong 2010.

Ayon sa COA, nabigo ang DOH na magpakita ng bagong ebidensya na maaring magamit na batayan upang bawiin ang Notices of Disallowance.

Batay aniya sa isinasaad ng Republic Act No. 7305, dapat ay nasa limang porsiyento lamang ng buwanang suweldo ang hazard pay ng mga public health workers na may salary grade 20.

Wala aniya sa karapatan ng DOH na magsabi kung magkano ang tatanggaping hazard pay ng kanilang mga opisyal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.