Preparasyon para sa HOV lane dry run, handa na

By Justinne Punsalang December 10, 2017 - 10:30 PM

 

Nakahanda na ang lahat para sa isasagawang dry run ng ‘High Occupancy Vehicle’ (HOV) lane bukas.

Pawang mga sasakyan na mayroong laman na dalawa pataas lamang ang maaaring dumaan sa innermost left o fifth lane ng EDSA.

Mananatili namang bukas para sa iba pang mga pribadong sasakyan ang third at fourth lane ng EDSA, habang nakalaan naman ang una at ikalawang lane para sa mga public utility vehicles (PUV) na mas kilala sa tawag na yellow lane.

Alas sais ng umaga magsisimula ang dry run na magmumula sa Monumento sa Caloocan hanggang sa dulo ng EDSA sa bahagi Pasay.

Dahil dry run pa lamang ay hindi muna manghuhuli ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga lalabag dito.

Umani ng magkakahalong reaksyon ang HOV lane mula sa mga netizens. Mayroong bumatikos, at mayroon ding pumabor.

Ngunit tanong ng ilan, paano makikita ang bilang ng pasahero ng isang sasakyan kung tinted naman ang mga bintana nito.

Sa datos ng MMDA, halos 90% ng mga sasakyang dumadaan sa EDSA ay pribado. Mula sa bilang na ito, 60% hanggang 70% ang isa lamang ang sakay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.