Houston Rockets, nakuha ang ika-siyam na sunod na panalo

By Justinne Punsalang December 10, 2017 - 09:02 PM

 

Nakapagtala ang Houston Rockets ng ika-siyam na sunod na panalo matapos pangunahan ni James Harden ang kanilang laban kontra Portland Trail Blazers.

124-117 pabor sa Rockets ang final score.

Ito na pinakamagandang record ng naturang koponan simula noong 1996 hanggang 1997 season.

48 puntos at 8 rebounds ang ibinigay ni Harden para sa Rockets.

Sinundan siya ni Chris Paul na nagbigay naman ng 24 puntos at ni Trevor Ariza na may 13 puntos.

Ayon sa coach ng Rockets na si Mike D’Antoni, maganda ang takbo ng kanilang mga laro ngunit hindi siya nagpapakumpyansa dahil alam niyang mayroon pa silang mga hadlang na kailangang lagpasan.

Si Damian Lillard ang nanguna para sa Trail Blazers matapos nitong magtala ng 35 puntos at sinundan ni CJ McCollum na may 28 puntos.

Ayon kay Blazers coach Terry Stotts, bagaman nadismaya siya sa kanilang pagkatalo ay naging maganda naman ang kanilang laban kontra sa isang magaling na koponan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.