Tatlo patay sa pananaga ng ‘Samurai’ sa Tokyo

By Rhommel Balasbas December 09, 2017 - 06:08 AM

AP photo

Nauwi sa pananaga gamit ang isang ‘samurai’ ang alitan ng magkapatid sa Tokyo, Japan.

Tatlo ang naitalang patay sa sikat na Shinto Shrine matapos saksakin at tagain ang isang punong saserdote o ‘chief priestess’ ng kanyang kapatid na lalaki.

Sangkot din sa insidente ang asawa ng umatake na pinagsasaksak din ng espada ang driver ng saserdote.

Gayunpaman, nakatakas ang driver na nagtamo ng hindi malalalang sugat.

Ayon sa mga pulis, kinumpronta ng suspek na nakilalang si Shigenaga Tomioka, 56 anyos ang kanyang babaeng kapatid na saserdote na si Nagako Tomioka nang bumaba ito sa sasakyan.

Inundayan ng saksak sa dibdib ng lalaki ang kanyang kapatid at nilaslas ang likod ng leeg nito na dahilan ng kanyang kamatayan.

Samantala, pinagsasaksak din ng suspek ang kanyang asawa hanggang sa mamatay ito bago kitilin ang sariling buhay.

Narekober sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang Samurai at ilan pang mga kutsilyo na ginamit sa pamamaslang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.