2 babae patay sa aksidente sa Zamboanga City

By Dona Dominguez-Cargullo December 08, 2017 - 10:02 AM SHARE(S):

Patay ang dalawang babaeng motorcycle riders sa aksidenteng naganap sa Zamboanga City.

Dead on the spot sina Feliza Francisco at Celia Reyes makaraang mabangga sa kasalubong na isa ring motorsiklo.

Sa insiyal na imbestigasyon, nag-overtake ang dalawa sa isang truck na nasa kanilang unahan.

Dahil dito, nabangga nila ang kasalubong na motorsiklo, tumilapon pa ang dalawa at bumagsak sa harapan ng truck dahilan para magulungan sila nito.

Hawak naman ngayon ng mga pulis ang driver ng truck para sumailalim sa imbestigasyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Radyo Inquirer, zamboanga city accident, Radyo Inquirer, zamboanga city accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.