Biyahe ng MRT, nagka-aberya

By Dona Dominguez-Cargullo December 08, 2017 - 09:09 AM SHARE(S):

Nakaranas ng aberya sa biyahe ng Metro Rail Transit (MRT) ngayong Biyernes ng umaga.

Ayon sa abiso ng MRT, pinababa ang mga pasahero sa bahagi ng Santolan station southbound.

Ito ay dahil sa isang tren na nakaranas ng technical problem.

Naitala ang aberya alas 8:26 ng umaga at itinaas sa category 3 ang status ng biyahe ng tren.

Kahapon, Huwebes, nakapagtala din ng isang aberya sa biyahe ng MRT habang dalawang aberya ang naitala noong Miyerkules, December 6.

 

 

 

 

TAGS: MRT, Radyo Inquirer, Santolan station, technical problem, MRT, Radyo Inquirer, Santolan station, technical problem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.