Kotse, sumampa sa center island ng Tandang Sora flyover; taxi, naaksidente naman sa Commonwealth

By Justinne Punsalang December 08, 2017 - 07:25 AM SHARE(S):
Kuha ni Justinne Punsalang

Humambalang sa unahang bahagi ng Tandang Sora flyover sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City ang isang pribadong sasakyan.

Basag ang kongkretong unahang bahagi ng flyover makaraang sumampa sa center island ang isang Honda City.

Aminado naman ang driver na siya ay nakatulog habang nagmamaneho.

Umamin din ito na bukod sa antok ay nakainom rin siya.

Kuha ni Justinne Punsalang

Samantala, sumampa ang isang taxi sa concrete separator sa kahabaan pa rin ng Commonwealth Avenue.

Ayon sa taxi driver na si John Abulkahair, hindi naman siya nakatulog habang nagmamaneho ngunit sadyang hindi niya lang nakita ang mga harang.

Aniya, wala kasing ilaw sa lugar at wala ring reflector ang mga harang.

Hindi naman nasaktan ang mga sakay ng taxi dahil sa aksidente.

Ayon sa nakasaksi sa aksidente, normal naman at hindi mabilis ang takbo ng taxi.

Hindi ito ang unang beses na nangyari ang aksidente na may kaparehong sanhi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, commonwealth avenue, metro news, quezon city, accident, commonwealth avenue, metro news, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.