Pinay, wagi sa Mrs. International 2017 pageant sa Singapore

By Dona Dominguez-Cargullo December 08, 2017 - 06:35 AM SHARE(S):

Patuloy sa paghahakot ng korona ang mga Pinay sa iba’t ibang beauty pageants.

Sa katatapos lamang na Mrs. International 2017 na ginanap sa Grand Balloon Orchid Country Club sa Singapore, kinoronahan ang Pinay na si Jessica Eribal.

Tinalo ng Pinay ang mahigit sa 50 naggagandahang mga misis mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Bago ang coronation night na ginanap kagabi, nanalo na ang iba pang awards si Eribal sa mga nagdaang preliminary pageant.

Kabilang dito ang paghirang sa kaniya bilang “Most outstanding contestant of the year” at sa kaniya rin iginawad ang “Best speech” sa ginanap na preliminary interview.

Noong Miyerkules, December 6, nakuha rin ng Pilipinas ang korona sa Miss Tourism International 2017 na ginanap naman sa Malaysia.

Si Jannie Loudette Alipo-on ang kinoronahan sa nasabing pageant at tinalo nito ang nasa 49 pang mga kandidata.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Jessica Eribal, Mrs International 2017, philippines, Radyo Inquirer, Jessica Eribal, Mrs International 2017, philippines, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.