Isang SUV, pumutok ang gulong; inararo ang plantbox sa Buendia flyover sa Pasay

By Mark Makalalad December 06, 2017 - 08:15 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Inaro ng isang SUV ang plantbox sa Buendia-Roxas Blvd flyover sa Pasay City.

Ayon sa driver ng SUV na si Alex Castanol, nasa Northbound sila ng flyover at papunta sana ng Maynila nang biglang mawalan sya ng kontrol sa sasakyan dahil sa pumutok na gulong.

Sa lakas ng impact, tumawid ang SUV sa kabilang linya at nagkalat ang mga piraso ng bato at lupa mula sa plantbox.

Nagdulot din ito nang abala sa mga motorista dahil ilang minutong hindi nadaanan ang southbound ng flyover.

Lulan ng sasakyan ang mga resibo ng ATM sa isang bangko na binibigyan nila ng serbisyo.

Hindi naman nasugatan ang driver at isang kasamahan nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.