AlDub, itinanghal na “Most Tweeted-About Love Teams” ng Twitter ngayong taon

By Dona Dominguez-Cargullo December 05, 2017 - 09:52 AM SHARE(S):

Para sa taong 2017, ang mga hashtag na may kaugnayan sa AlDub couple ay itinanghal ng Twitter na “Most Tweeted-About Love Teams” sa Pilipinas.

Ito ang lumitaw sa inilabas na “#ThisHappened in the Philippines in 2017″ ng Twitter bilang bahagi ng kanilang pagbabalik-tanaw sa timeline ng mga Pinoy sa buong taon.

Para sa taong 2017, itinanghal na “Most Tweeted-About Love Teams” ang AlDub couple na sina Maine Mendoza at Alden Richards makaraang umabot ng milyun-milyong tweets ang kanilang hashtags.

Ayon sa Twitter kabilang sa mga pinaka-pinag-usapang hashtags hinggil sa AlDub ay ang teleserye nilang ‘Destined to be Yours’, ang book launching ni Maine na may hashgtag na #YupIAMThatGirl, at ang #ADNFestival2017.

Ang pilot episode ng nasabing teleserye ay umabot sa 4.6 million tweets dahilan para ito ay maging ikaapat na “Most Tweeted Moments in the Philippines”, habang ang AlDub Nation Festival naman ay nakakuha ng 1.1 million tweets.

Si Maine Mendoza ay nasa 5th place sa listahan ng most tweeted celebrity sa buong mundo, habang si Alden naman ay pumangalawa sa most tweeted celebrity sa Pilipinas.

Maliban sa AlDub, kasama din sa most tweeted moments sa Pilipinas ang Miss Universe competition na ginanap noong January 2017 sa SM Mall of Asia.

Ang katatapos lamang na UAAP Season 80 ay itinanghal na seventh most tweeted moment sa bansa gamit ang hashtag na #UAAPSeason80.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: ALden Richards, AlDub, Maine Mendoza, Most Influential Moment, Radyo Inquirer, Twitter, ALden Richards, AlDub, Maine Mendoza, Most Influential Moment, Radyo Inquirer, Twitter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.