Dating Health Sec. Janet Garin pinapanagot dahil sa biniling Dengvaxia vaccine

By Erwin Aguilon December 04, 2017 - 08:39 PM

Inquirer file photo

Pinapanagot ni Buhay Patylist  Rep. Lito Atienza si dating Health Secretary Janet Garin kaugnay sa isyu ng Dengvaxia anti-dengue vaccine.

Ayon kay Atienza, hindi maaring palampasin ang kapalpakan ng nakalipas na administrasyon dahil naglagay ito sa panganib sa buhay ng nasa 70,000 mga bata.

Sinabi ng kongresista na kailangang managot si Garin dahil siya ang nagpasya na bilhin ang gamot sapagkat pera nng bayan ang ginamit na pambili nito.

Bukod dito, ipinilit din lamang anya ang pagbili ng gamot kahit mayroon ng warning sa pagbili nito.

Dapat din anyang ipinambili na lamang ang P3.5 Billion ng gamot sa ibang sakit tulad ng tuberculosis at hypertension.

TAGS: Atienza, Dengvaxia, doh, garin, Atienza, Dengvaxia, doh, garin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.