Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters, bibisita sa bansa kasama ang 14 pang beauty queens

By Dona Dominguez-Cargullo December 04, 2017 - 12:38 PM SHARE(S):

Bibisita sa bansa si Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters kasama si Miss Universe 2016 Iris Mittenaere kasama at iba pang mga beauty queen.

Ayon kay Department of Tourism Secretary Wanda Teo, apat na araw tatagal ang pagbisita sa bansa ni Nel-Peters at sa December 6 ito inaasahang darating sa bansa.

Ani Teo, ang Miss Universe Organization ang humiling kay Nel-Peters at sa iba pang kandidata na bisitahin ang mga ‘most scenic spots’ sa Pilipinas.

Pagdating pa lamang nila sa bansa sa Miyerkules, bibisitahin na mga beautuy queen ang Rizal Park at Intramuros sa Maynila at kinabukasan naman araw ng Huwebes, dadalo sila sa charity ball sa Solaire Resort and Casino.

Sa Biyernes, hahatiin sa tatlo ang grupo para bisitahin ang Batanes, Bohol, at Camiguin.

Si Miss Universe Nel-Peters ay sa Batanes magtutungo kasama sina Miss USA, Miss India, Miss Singapore, at Miss Thailand.

Si Mittenaere naman ay magtutungo sa Bohol kasama sina Miss Russia, Miss Netherlands, Miss South Korea, at Miss Canada.

Habang si Miss Universe Philippines Rachel Peters ay sasamahan ang mga kapwa kandidata mula China, Italy, Great Britain, at Malaysia sa pag-iikot sa Camiguin.

Hindi naman makakasama sa tour si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach dahil nasa Estados Unidos pa ito.

Sa huling gabi ng kanilang pagbisita sa Pilipinas, tampok ang mga beauty queen sa fashion show sa Hotel Sofitel.

 

 

 

 

 

TAGS: Demi-Leigh Nel-Peters, Intramuros Manila, miss universe, Rizal Park, Demi-Leigh Nel-Peters, Intramuros Manila, miss universe, Rizal Park

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.