Rachel Peters, nakabalik na ng bansa

By Dona Dominguez-Cargullo December 04, 2017 - 07:50 AM SHARE(S):
Photo: MIAA Media Affiars

Dumating na sa bansa si Bb. Pilipinas Universe 2017 Rachel Peters.

Maagang lumapag sa NAIA Terminal 1 ang sinasakyang eroplano ni Peters matapos ang kaniyang pagsabak sa Miss Universe pageant sa Las Vegas kung saan nakapasok siya sa Top 10.

Ayon kay Peters, sa kaniyang pagbabalik, ang prayoridad niya sa ngayon ay ang makapiling ang kaniyang pamilya.

Sama-sama umano nilang ipagdiriwang ang nalalapit na pasko.

Nais din ni Rachel na makapag-relax muna matapos ang pagsabak sa Miss Universe pageant at makabalik sa normal na buhay.

 

 

 

 

 

TAGS: Binibining Pilipinas, miss universe, Rachel Peters, Binibining Pilipinas, miss universe, Rachel Peters

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.